Linggo, Marso 6, 2011

DIARY

Kadalasan ang diary ang pinakatatago nating gamit kasi doon nakasulat ang ating mga saloobin, nararamdaman, sikreto at mga problema kahit hindi niya ito kayang masolusyunan. Tingin ko sa buong mundo siya lang ang mapagkakatiwalaan ko. Dahil hindi niya ipagsasabi kahit kanino ang mga bagay-bagay na ipinagkakatiwala ko sa kanya.

Ang diary kahit simpleng bagay lang siya, malaki ang naitutulong niya sa iba... dahil kung hindi sa kanya, hindi giginhawa o gagaan ang kanilang damdamin, dahil lahat ng sama ng loob, pangarap at kaligayahan nila... sinulat na nila! Para bang flinush mo na yung --- mo sa inidoro at parang log-in at log-out sa mga bawat araw na lumilipas.

DIARY, DIARY, sa iba ikaw ang kanilang daily inquiry.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento